- Details
- Hits: 0
“RABIES AWARENESS MONTH 2023”
Theme; “Rabies FREE na pusa’t aso, kaligtasan ng pamilyang Pilipino”
Ang Pamahalaang Lungsod ng Baliwag sa pangunguna ng ating City Mayor Ferdie V. Estrella at sa pamamagitan Baliwag City Veterinary Services Division ng City Agriculture Office ay nakikiisa sa Rabies Awareness Month 2023 na may temang – “Rabies FREE na pusa’t aso, kaligtasan ng pamilayang Pilipino”
Bilang bahagi nito, ang Baliwag City Veterinary Services ng City Agriculture Office ay patuloy ang pagbabakuna sa mga alagang aso’t pusa ng bawat Baliwagenyo at pagsasagawa ng orientation kung paano tayo magiging isang responsableng tagapag-alaga nito.
Kaugnay nito, magsasagawa ng “Mass Anti-Rabies Vaccination” ang Baliwag City Veterinary Services Division sa Brgy. Hall ng Tangos sa ika – 07 ng Marso, 2023, sa ganap na 9:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali at Community Center sa ganap na 1:00 ng hapon hanggang 4:00 ng hapon.
Para sa mga karagdagang impormasyon at katanungan, Maaari po kayo mag-message sa Baliwag Veterninary Services FB Page.
#BaliwagCityNaTayo
#RabiesAwarenessMonth

- Details
- Hits: 0
- Details
- Hits: 0
On Strengthening Local Efforts for TB Prevention
Ngayong mababa na ang ating COVID-19 cases, nakikita na natin ang muling pagtaas ng mga bilang ng ating naisasagawang Tuberculosis diagnosis and treatment. At sa patuloy nating pagbangon, layunin natin na ito’y mapaigting at mapalawak sa buong bansa. Sa pamamagitan ng patuloy nating pagkampanya ng mga programa ng DOH, gagawin nating mas accessible sa komunidad ang TB services kagaya ng chest x-rays, sputum testing, preventive treatment, at TB treatment.
Paalala rin po natin na curable ang Tuberculosis at mahalaga rito ang pagpapaigting natin sa ating Tuberculosis surveillance upang mapigilan ang pagkalat nito. Kaya naman, huwag mag-atubiling kumonsulta sa ating mga TB center sa lokal na komunidad.
Sa sama-sama nating pagkilos at patuloy na pagsasakatuparan ng Universal Health Care, mapupuksa rin natin ang Tuberculosis.
DR. RONALD ALLAN M. FABELLA
Senior TB and Global Fund Advisor
Disease Prevention and Control Bureau
Department of Health
In cased you missed it, watch the full session from the links below:
- Details
- Hits: 0