- Details
- Hits: 0
- Details
- Hits: 0
𝗖𝗛𝗜𝗞𝗜𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗟𝗜𝗚𝗧𝗔𝗦 𝗖𝗔𝗠𝗣𝗔𝗜𝗚𝗡 𝟮𝟬𝟮𝟯, 𝗡𝗔𝗚𝗦𝗜𝗠𝗨𝗟𝗔 𝗡𝗔 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗠𝗜𝗗𝗦𝗔𝗬𝗔𝗣❗
Ginanap ngayong araw ika-2 ng Mayo 2023 ang Chikiting Ligtas Kick Off Ceremony- Measles Rubella Oral Polio Vaccine Supplemental Immunization Activity sa bayan ng Midsayap.
Dinaluhan ang aktibidad ng mga kabataan mula sa iba’t ibang day care centers, mga magulang, Day Care Workers, Health Workers at BLGUs na tinatayang aabot sa 320 na indibidwal ang dumalo para makiisa sa kampanya na maging ligtas ang mga chikiting laban sa Polio, Rubella at Tigdas.
Pinangunahan ni OIC Municipal Health Dr. Rowelle Repollo ang nasabing programa.
Kabilang sa nagpakita ng buong suporta at nagbigay ng mensahe sa kampanyang ito sina Vice Mayor Vivencio “Dok Toto” Deomampo Jr., Municipal Administrator Vergilita Guilaran,at Municipal Councilor Morata Mantil.
Ipinaparating naman ng Department of Health na ang bakuna ay LIBRE, LIGTAS at siguradong EPEKTIBO kaya ‘wag na magpahuli at pabakunahan na ang inyong mga anak sa Chikiting Ligtas – MEASLES RUBELLA ORAL POLIO VACCINE SUPPLEMENTAL IMMUNIZATION ACTIVITY (MR SIA) simulan ngayong araw hanggang ika-31 ng Mayo 2023.
Protektahan ang mga Chikiting edad 0-59 months old kontra polio at mga batang 9-59 months old kontra rubella at tigdas.
Tinatayang 1,394 (11.43%) na kabataan ang nabakunahan ng Measles Rubella, 1,570 (11.07%) naman ang nakatanggap ng Oral Polio Vaccine at 113 naman ang nakatanggap ng Vitamin A.
Ang Lokal na Pamahalaan ng Midsayap sa pamumuno ni Mayor Rolly "Ur Da Man" Sacdalan ay sumusuporta sa adhikaing maging ligtas at malusog ang bawat kabataang Midsayapeño!
#MidsayapChikitingLigtas2023
#PagbangonAtPagbabago
#SerbisyongTotoo
#LGUMidsayap
#MasayangMidsayap
- Details
- Hits: 0
Chikiting Ligtas event, a free vaccination program of Department of Health for kids to fight polio, rubella, and measles, happening on May 3, 2023 at Robinsons Gen San, Atrium, 10am to 5pm
Get your kids healthy and protected at #OurFavoritePlace, Robinsons Gen San!
For more important announcements and updates, follow our official social media pages.
#RobinsonsGenSan #RMallsLingkodPinoy #LingkodPinoy #RobinsonsMalls

- Details
- Hits: 0
CHIKITING LIGTAS KICK-OFF ACTIVITY
May 02, 2023
👀 TIGNAN: Inilunsad ng Bayan ng Lebak ang Chikiting Ligtas Campaign ng Department of Health ngayong Mayo 02, 2023 sa Lebak Agape Preschool and Tutorial Center, Inc. Layunin ng campaign na ito na mabakunahan ang lahat ng mga batang edad 9months old hanggang less than 5 years old ng dagdag bakuna kontra Rubella at Tigdas. Isinasagawa ang ganitong supplemental immunization activity tuwing may panganib ng outbreak ng mga sakit na maaaring maiwasan ng bakuna [Vaccine-preventable Diseases].
Nagbigay ng mensahe ang ating Municipal Health Officer, Dr. Amalio A. Castillon, tungkol sa kahalagahan ng immunization at ng gawain na ito. Nagpahayag rin ng kanilang mensahe ng pagsuporta sa gawain ang butihing Barangay Captain ng Brgy. Aurelia F. Freires, Sr., Hon. Annie Defenio, at ang masigasig na representative ng ating Municipal Mayor Hon. Frederick F. Celestial, na si Mr. Alex Casarias. Nagbigay rin ng kanilang mensahe ng suporta at pasasalamat ang school director ng paaralan na si LM Arlene Cristobas.
Maraming salamat sa pamunuan, mga guro, mga magulang at mga estudyante ng Lebak Agape Preschool sa paniniguro na mabigyan ng maagap na proteksyon ang ating mga kabataan laban sa banta ng tigdas at rubella 🤍 Salamat sa ating masisipag na Barangay Healthcare staff ng Brgy. AFS, sa pangunguna ng Brgy. Midwife, Ma'am Rosemarie Española, RM, sa ating mga deployed na Vaccinators ng DOH, at sa mga staff ng RHU na nagtulong para mailunsad ang Kick-off Activity para sa #ChikitingLigtas2023 campaign.
Nagsimula na rin na magbakuna ang lahat ng mga barangay sa Lebak. Magpunta lamang sa inyong Barangay Health Station o sa RHU. Maaari niyo ring tanungin ang inyong mga BHW para sa schedule ng bakunahan sa inyong lugar. Magpapatuloy ang ating bakunahan hanggang Mayo 31, 2023.
Magpabakuna na para sa #HealthyLebak #HealthyPilipinas 💪
